Sa pagkalat ng epidemya sa buong mundo noong nakaraang taon, marami ang buhay na naapektuhan. Hindi ito inaasahan kaya malaki ang naging epekto nito kagaya nalang ng mga namatay, nawalan ng hanapbuhay, nabaon ang negosyo at natigil ang pagtuturo sa mga paaralan. Pero sa ibang banda malawak man ang pinsala na na dulot ng pandemya sa ating pamumuhay ay nagbigay naman ito sa atin ng pagkakataon upang baguhin ang nakasanayan. Marami ang nag isip upang ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan. Ang mga negosyante ay umangkop sa makabagong teknolohiya upang ipagpatuloy ang kanilang ikinabubuhay.
Mabuti at marami ang nag “adapt” sa takbo ng sitwasyon, naging “innovative.” Dahil bawal lumabas, marami ang sumabak sa “e-commerce” kung saan ang negosyo ay lahat online. Marami man sa mga batikang negosyante at yung mga nagsisimula pa lamang ay natutong gawin ang negosyo online. Medyo mahirap sa umpisa ngunit noong lumaon ay nakasanayan din. At marami sa kanila naging matagumpay. Kaakibat ng “convenience” ng online business ay hindi pa din mawawala dapat ang sipag at tiyaga.
Iyong mga nawalan ng trabaho, sumabak naman sa online delivery. May mga online delivery platforms, partikular pagdating sa pagdeliver ng pagkain at iba pang bagay, ang nakapagbigay trabaho sa mga unemployed. Basta may motorsiklo o kahit bisikleta man, pwede na sa online delivery. Maraming nagtiyaga kahit mahirap kaya marami din ang nakinabang at kumita ng maayos para sa ikabubuhay ng pamilya.
Naapektuhan din ang sektor ng edukasyon dahil natigil ang “face-to-face” classes. Mabuti na lang din at nauso ang “online classes” para sa mga may internet at kung wala man, ginawan ng paraan ng Department of Education (DepEd) na matuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng “blended learning” o paggamit ng “modules” kung sakaling walang internet sa bahay. Maraming naging pagsubok, pero hindi nagpadaig ang mga Pilipino sa hamon, guro man or mag-aaral, kaya tuloy ang pag-aaral. At kamakailan ay nagsimula na din ang “limited face-to-face classes” sa kung tawagin ay “low-risk areas” o yaong kakaunti ang kaso ng Covid-19.
Ang mga tao ay nagbago sa kanilang gawi dahil na rin sa pandemya. Nag “ adapt” sa “digital technology” ang karamihan na hindi naman ginagawa noon. Ito rin ang nagsilbing motibasyon ng mga Pilipino upang maging malikhain. Ang nakasanayang “manual” na ginagawa sa pang-araw-araw ay unti-unting napapalitan ng pagbabago dulot ng makabagong panahon. Madalas ng gamitin ang internet lalo na sa negosyo at ito ang pangunahing kinakailangan ng mga estudyante sa kanilang online class. Sa pandemiyang ito minulat ang mga tao na umangkop at yakapin ang digital technology upang mapagaan ang pang araw-araw na pamumuhay.
Subalit sabi nga ng isang superhero, “with great power comes great responsibility.” May kapangyarihan na ang tao gamit ang “digital technology” subalit may kaakibat itong mga responsibilidad. Dapat ang mga aktibidad online ay naaayon din sa batas. Sa pagbugso ng paggamit ng internet at digital technology, napapanahon na pagukulan ng pansin ang mas masidhing paggamit nito at may kaakibat na mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga gumagamit nito para sa kabuhayan at iba pang aktibidad, at karampatang parusa din para naman sa mga aabuso nito.
Isa sa mga layunin ng “CLICK” o ang “Computer Literacy, Innovation, Connectivity and Knowledge” ay ang mabigyang-proteksiyon ang maraming sektor sa lipunan, yaong mga nagne-negosyo online, mga guro at mag-aaral para sa online classes, at pati na din ang mga konsyumer na bumibili online. Sa pamamagitan ng batas, maisusulong na ang abot-kayang internet para sa lahat kahit saan man lugar nakatira, lalo na sa may gustong pumasok sa “e-commerce,” makipag-“network” sa iba pang negosyante na may karanasan na dito, o yung may gustong mag-aral online at kahit sa mga empleyado na nais ipagpatuloy ang “work from home setup.”
Salamat sa mga panukalang batas at nagiging maayos na ang usapin tungkol sa mga gawain “online” lalo na sa aspeto ng “online privacy” at “data security”. Dahil dito mas napapabilis na ang mga gawain at pamumuhay ng mga tao. At unti-unti pa sana itong lumabong hanggang sa susunod na henerasyon.
Upang magkaroon ng impormasyon at malaman ang detalye tungkol sa CLICK, maari silang sudan sa kanilang mga social media pages. Facebook, Instagram,Tiktok, Twitter, Youtube: CLICK Partylist. LinkedIn: Partylist CLICK
No Comments